answersLogoWhite

0

Who was husay and cusay?

Updated: 12/1/2022
User Avatar

Wiki User

8y ago

Want this question answered?

Be notified when an answer is posted

Add your answer:

Earn +20 pts
Q: Who was husay and cusay?
Write your answer...
Submit
Still have questions?
magnify glass
imp
Related questions

What Tagalog words start with letter H?

hangin, hagdan, hanap, halika, hilaw, hiwa, hiwalay, hasa, haba, hilo, hinog, hula, husay, huli


Tungkol sa kabataan ni rizal?

Si Jose Rizal ay ipinanganak noong Hunyo 19, 1861 sa Calamba, Laguna. Isa siya sa mga pambansang bayani ng Pilipinas at kilala bilang "Pambansang Bayani." Sa kabataan ni Rizal, ipinakita niya ang kanyang talino at husay sa pag-aaral, at naging inspirasyon siya sa maraming kabataan sa kanyang panahon.


Ano ang kahalagahan ng pagiging masipag?

Bakit ng ba mahalaga ang pagiging masipag? Walang bagay na mahirap para sa taong pursigido at da kanyang buhay ay mga plano. Sa pagiging masipag lahat ay possible dahil taglay mo rin ang katangian ng pagiging madiskarte. Sa pamamagitan nito ay mapapahalagahan mo ang mga bagay bagay dahil alam mong ibinigay mo ang iyong sipag at husay. Subalit pakatatandaan, hindi dapat ang sipag at tiyaga kung wala kang pananampalataya sa ating Lumikha.


Talambuhay ni Simon A Mercado?

Si Simon A. Mercado ay isang kilalang Filipino journalist at news anchor sa GMA News TV. Siya ay nagsisilbing news anchor ng programa ng "Balitanghali" at kasalukuyang namumuno bilang presidente ng GMA Network News. Siya ay kilala sa kanyang propesyonalismo at husay sa pagbabalita ng pinakabagong mga kaganapan sa Pilipinas at sa iba't ibang bahagi ng mundo.


Talambuhay ni patrocinio v villafuerte?

Si Patrocinio V. Villafuerte ay isang Pilipinong pulitiko at dating gobernador ng Camarines Sur. Siya ay naging kongresista at gobernador ng nasabing lalawigan, at isa sa mga kinikilalang lider sa rehiyon ng Bicol. Ang kanyang mga nagawa at naging kontribusyon sa lipunan ay nagpatunay sa kanyang husay at dedikasyon bilang isang pinuno.


What are the other example of pang-uri na pasukdol?

Napakabata mo pa para ka mag-asawa.Pinakamagaling si Anna sa buong klase.Walang kasingganda ang ginawa niyang parol.Ubod ng dami ang kanilang inihanda sa aramw ng kasal ng kanyang anak.Pagkahusay-husay ng kanyang nagawang komposisyon.Si Andreia ay pinaka maganda sa kanilang lahat.


Script of Hudhud hi Aliguyon?

'Hudhud Hi AliguyonISANG ARAW nuong Unang Panahon, sa nayon ng Hannanga, isang sanggol na lalaki ang isinilang sa mag-asawang Amtalao at Dumulao. Ang pangalan niya ay Aliguyon. Siya ay matalino at masipag matuto ng iba't ibang bagay. Katunayan, ang napag-aralan niyang mahahalaga mula sa mga kasaysayan at pangaral ng kanyang ama ay marami. Natuto siya kung paano makipag-bakbakan nang mahusay, at paano umawit ng mga mahiwagang gayuma (encantos, magic spells). Kaya kahit nuong bata pa, tiningala na siya bilang pinuno, at hanga ang mga tao sa kanya.Nang mag-binata si Aliguyon, ipinasiya niyang sagupain si Panga-iwan, ang kaaway ng kanyang ama, sa nayon ng Daligdigan. Subalit ang sumagot sa kanyang hamon (reto, challenge) ay hindi si Panga-iwan. Ang humarap sa kanya ay ang mabangis na anak nito, siPumbakhayon, marunong ng hiwaga at bihasa rin sa bakbakan tulad niAliguyon.Hindi naaling, pinukol ni Aliguyon ng sibat si Pumbakhayon. Kasing bilis ng kidlat, umiktad si Pumbakhayon upang iwasan ang sibat at, kagila-gilalas, sinalo sa hangin ang sibat ng isa niyang kamay! Wala pang isang kurap ng mata, binaligtad ni Pumbakhayon ang sibat at hinagis pabalik kay Aliguyon. Umiwas din si Aliguyon at sinalo rin ng isang kamay sa hangin ang humahagibis na sibat. Binaliktad din niya at ipinukol uli kay Pumbakhayon.Pabalik-balik at walang tigil, naghagisan at nagsaluhan ng sibat siAliguyon at Pumbakhayon hanggang umabot ng 3 taon, hindi pa rin tumigil ang bakbakan, at walang nagpakita ng pagod o pagsuko. Subalit sa bangis at dahas ng kanilang paghahamok, kapwa sila humanga sa giting at husay ng kalaban, at pagkaraan ng 3 taong bakbakan, natuto silang igalang ang isa't isa.Biglang bigla, tumigil sina Aliguyon at Pumbakhayon at nahinto, sa wakas, ang bakbakan. Nag-usap at nagkasundo sila ng payapa (paz, peace) ng kanilang nayon ng Hannanga at Daligdigan. Buong lugod na sumang-ayon lahat ng tao sa 2 nayon, at ipinagdiwang nila ang kampihan ng 2 bayani.Sa paglawak ng katahimikan, umunlad ang 2 nayon. Naging matalik na magkaibigan sina Aliguyon at Pumbakhayon. Nang sapat na ang gulang ni Aliguyon, pinili niyang asawa si Bugan, ang batang-batang kapatid na babae ni Pumbakhayon. Inalagaan niya sa bahay si Buganhanggang lumaki itong napaka-gandang dalaga.Ang pilining asawa naman ni Pumbakhayon ay ang kapatid na babae niAliguyon, si Aginaya. Ang 2 familia nila ay yumaman at iginalang ng lahat sa Ifugao.


Buod ng epikong hudhud ni aliguyon?

ISANG ARAW nuong Unang Panahon, sa nayon ng Hannanga, isang sanggol na lalaki ang isinilang sa mag-asawang Amtalao at Dumulao. Ang pangalan niya ay Aliguyon. Siya ay matalino at masipag matuto ng iba't ibang bagay. Katunayan, ang napag-aralan niyang mahahalaga mula sa mga kasaysayan at pangaral ng kanyang ama ay marami. Natuto siya kung paano makipag-bakbakan nang mahusay, at paano umawit ng mga mahiwagang gayuma (encantos, magic spells). Kaya kahit nuong bata pa, tiningala na siya bilang pinuno, at hanga ang mga tao sa kanya.Nang mag-binata si Aliguyon, ipinasiya niyang sagupain si Panga-iwan, ang kaaway ng kanyang ama, sa nayon ng Daligdigan. Subalit ang sumagot sa kanyang hamon (reto, challenge) ay hindi si Panga-iwan. Ang humarap sa kanya ay ang mabangis na anak nito, siPumbakhayon, marunong ng hiwaga at bihasa rin sa bakbakan tulad niAliguyon.Hindi naaling, pinukol ni Aliguyon ng sibat si Pumbakhayon. Kasing bilis ng kidlat, umiktad si Pumbakhayon upang iwasan ang sibat at, kagila-gilalas, sinalo sa hangin ang sibat ng isa niyang kamay! Wala pang isang kurap ng mata, binaligtad ni Pumbakhayon ang sibat at hinagis pabalik kay Aliguyon. Umiwas din si Aliguyon at sinalo rin ng isang kamay sa hangin ang humahagibis na sibat. Binaliktad din niya at ipinukol uli kay Pumbakhayon.Pabalik-balik at walang tigil, naghagisan at nagsaluhan ng sibat siAliguyon at Pumbakhayon hanggang umabot ng 3 taon, hindi pa rin tumigil ang bakbakan, at walang nagpakita ng pagod o pagsuko. Subalit sa bangis at dahas ng kanilang paghahamok, kapwa sila humanga sa giting at husay ng kalaban, at pagkaraan ng 3 taong bakbakan, natuto silang igalang ang isa't isa.Biglang bigla, tumigil sina Aliguyon at Pumbakhayon at nahinto, sa wakas, ang bakbakan. Nag-usap at nagkasundo sila ng payapa (paz, peace) ng kanilang nayon ng Hannanga at Daligdigan. Buong lugod na sumang-ayon lahat ng tao sa 2 nayon, at ipinagdiwang nila ang kampihan ng 2 bayani.Sa paglawak ng katahimikan, umunlad ang 2 nayon. Naging matalik na magkaibigan sina Aliguyon at Pumbakhayon. Nang sapat na ang gulang ni Aliguyon, pinili niyang asawa si Bugan, ang batang-batang kapatid na babae ni Pumbakhayon. Inalagaan niya sa bahay si Buganhanggang lumaki itong napaka-gandang dalaga.Ang pilining asawa naman ni Pumbakhayon ay ang kapatid na babae niAliguyon, si Aginaya. Ang 2 familia nila ay yumaman at iginalang ng lahat sa Ifugao.


Edukasyon noon sa kastila?

Lahat na yata ng aspeto sa buhay ng mga Pilipino ay naimpluwensya ng mga Espanyol. Unang-una ang Katolisismong pananampalataya at pagdiriwang ng mga fiesta. Sa edukasyon, pilit na itinuro ang relihiyon at wikang Espanyol. Kaya kapansin-pansin ang mga hiram na salita gaya ng mesa, taza, tinidor at iba pa. Ang mga pangalan din ng mga Filipino ay pinalitan. Maraming Filipino ngayon ay may apilyidong Espanyol gaya ng Chavez, Zamora, Quezon, Rodriguez, atbp. May impluwensya din ang mga Espanyol sa pananamit at pagluluto. Relihiyon Ang pinakamalaking impluwensyang espanyol sa kulturang Pilipino ay ang kristyanismo. Naging dahilan ito upang tawagin ang pilipinas na "tanging Bansang kristyano sa asya." Maraming kaugaliang panrelihiyon ang natutuhan ng mga Pilipino. Kabilang ditto ang pagdaraos ng kapistahan bilang parangal at pasasalamat sa santong patron. pagkain: natuto ang mga Pilipino na kumain ng tinapay, karne ng baka at tupa, longganisa,sardinas, hamon, at atsara. natutuhan nila ang pag-inom ng kape, tsokolate, at alak. gayundin ang paggamit ng kutsara, tinidor, plato, tasa, baso at serbilyetas. natuto rin silang kumain ng mga halamang pagkain gaya ng mais, patatas, repolyo, kakaw at iba pa. Pananamit: Natutong mag suot ng americana, pantalon at sombrero ang mga lalaki. saya at kamisang maluwang at may mahahabang manggas sa mga babae. nagsusuot na rin ng sapatos, tsinelas, medyas, panwelo at payneta. Musika: Itinuro ng Kastila ang paggamit ng instrumentong pangmusika gaya ng byulin, plawta, alpa,pyano at gitara. likas na mahilig sa musika, nakalikha ang mga Pilipino ng mga instrumentong musikal buhat sa kawayan. bumuo sila ng banda ng musikong bumbong na tumututog sa mga kasayahan. ang organong kawayan na tanyag sa daigdig ay matatagpuan sa Simbahan ng Las Pinas, Metropolitan Manila. ito ay nilikha noong 1818 ni Padre Diego Cerra, isang paring kastila. ang Lupang Hinirang ni Julian Felipe at awiting Sampaguita ni Dolores Paterno ay impluwensyang Kastila. Sayaw: Madali ring natutuhan ng mga Pilipino ang mga sayaw mula sa Espanya tulad ng carinosa, pandango, surtido, La Jota, rigodon, polka at lancero. Sining: Nalinang noong panahon ng mga Kastila ang husay ng mga Pilipino sa larangan ng pagpipinta at iskultura. Tinagurian noon na Ama ng mga Pintor na Pilipino si Damian Domingo na unang pintor na Pilipino. umani ng tagumpay sa mga paligsahang pandaigdig sa pagpipinta sina Juan Luna at Filex Resurreccion Hidalgo. Si Juan Luna ang nagpinta ng Spoliarium at ng Sanduguan. Naging mahusay na mga manlililok ng mag imahen ng mga santong Katoliko ang ilang Pilipino. Si Mariano Madrinan ang tinaguriang Pinakadakilang Iskultor na Pilipino noon. Naging tanyag din sa larangang ito sina Dr.Jose Rizal, Isabelo Tampingco, Cipriano Bacay, Manuael Asuncion, Jose Arevallo at Pelagia Mendoza, ang unang Pilipinang manlililok.


Talambuhay ni Diego silang?

Si Diego Silang ay ipinanganak noong Disyembre 16, 1730. Ang kanyang ama ay si Miguel Silang at kanyang ina ay si Nicolasa Delos Santos.Noong siya ay bata pa, nagtrabaho si Diego bilang katulong ni Padre Cortes y Crisolo, kura paroko ng Vigan. Duon siya naging mahusay magsalita ng wikang Kastila. Siya ay pinadala ni Padre Crisolo bilang mensahero. Dinadala niya ang mga sulat mula sa Vigan papuntang Maynila sa pamamagitan ng bangka. Sa isa sa kanyang paglalakbay, ang kanyang bangka ay inatake ng mga katutubong Zambal sa baybayin ng Zambales. Ang ilang sakay ay nalunod at pinatay ng mga katutubo. Si Diego naman ay nakaligtas ngunit naging bihag. Siya ay pinalaya sa pamamagitan ng ransom na pinadala ng mga misonaryong Rekoleksyonista.Pinakasalan niya ang biyudang si Josefa Gabriela na tubong Santa, Ilocos Sur. Sila ay 27 taong gulang nang ikasal.Nang nasa Maynila si Diego, at naghihintay sa Galleon, nakita nya na maraming mga atakeng barko ang mga Ingles sa Maynila de Bay. NoongSetyembre 24, 1762 inatake ng hukbong Ingles ang Maynila. Nasakop ang Maynila noong Oktubre 1762. Ang pagsakop ay kabilang sa Pitong Taong Digmaan.Napansin ni Diego na humihina ang hukbong Kastila at dito nya naisipang mamuno ng kilusang rebolusyonaryo sa Hilagang Luzon. Lumakas ang pwersa nito. Natatag siya ng sariling kampo sa isang mataas na bundok na kung saan matatanaw ang kabuuan ng lalawigan ng Vigan. Ito ay kilala ngayon bilang Bundok ng Silang.Si Diego Silang ay isang mahusay na pinuno at disiplinadong militar. Upang magkaroon ng pondong panustos, siya ay nanghingi ng tulong sa mga mayayaman at mahihirap na tao, depende na rin sa kakayahan ng mga ito.Habang abala ang mga Kastila sa pagkuha muli ng Maynila, iniutos ng pamahalaan na sumuko si Silang. Hindi sumuko si Silang at sinubukang pang makipagsanib pwersa sa mga Ingles. Sumulat siya ng liham sa pamahalaang Ingles sa pamumuno ni Lt. Gen. Dawson Drake. Dito niya kinilala ang pagsakop ng Maynila. Binigay niya ang kanyang pagsuporta kapalit ng pagkilala sa kanya bilang Sarjento Mayor at Alcalde Mayor ng Ilocos. Hiningi rin nya ang pagkilala sa pagtalaga ng mga opisyales sa Ilocos.Sa ilalim ng pamumuno ni Diego Silang, binigyan niya ng pagkakataong mamuno ang kapwa Pilipino. Lahat ng mga tinanggal na Kastilang opisyal ay pinalitan niya ng mga karapat-dapat na Ilokanong sibil at opisyal-militar na naaayon din naman sa kagustuhan ng kanyang nasasakupan. Ang kanyang mga makatarungang batas ay ipinahayag sa iba't ibang bayan.Nagpatawag ang mga opisyales ng Espanya (Audencia) sa Maynila sa pamumuno ni Simon de Anda at nagalok ng pabuya kung sino man ang papatay kay Diego Silang. Noong Mayo 28, 1763, binisita ni Miguel Vicos at Pedro Becbec, mga kaibigan ni Diego, si Diego sa kanyang kuta sa Casa Real sa Vigan. Tinaksil nila si Diego nang binaril nila ito kapalit ng pabuya ng Audiencia.Sa hatang edad na 33, si Diego Silang ay binawian ng buhay. Dahil sa kanyang husay na pamumuno, siya ay tinaguriang Liberator ng Ilocos. Tinuloy ng kanyang asawang si Gabriela ang laban


Ano ang mga uri ng diin at tuldik?

Ang tula ay isang pagbabagong-hugis ng buhay. Isang paglalarawan ng buhay na hinango sa guniguni na pinararating sa ating damdamin at ipinahahayag sa pananalitang nag-aangkin ng tumpak na aliw-iw at lalong mainam sa mga sukat at tugma,� ayon kay Alejandro at Pineda. Uri ng Tulang Tagalog 1. Tulang Liriko. Itinatampok dito ng makata ang kanyang sariling damdamin at pagninilay at Hindi gaano ang mga panlabas na pangyayari at tagpo sa buhay o ang kalagayang kinaroroonan. Ang mga uri nito ay ang mga sumusunod: a. Awit �Ang karaniwang paksa nito ay pag-ibig, kawalang pag-asa o pamimighati, pangamba, kaligayahan, pag-asa at kalungkutan. b. Soneto � Ito ay tulangmay 14 na taludtod, hinggil sa damdamin at kaisipan, may malimaw na kabatiran sa likas na pagkatao. c. Oda � Ito ay nagpapahayag ng isang papuri ng isang panaghoy o ng iba pang masiglang damdamin, walang tiyak na bilang ng pantig o taludtod sa isang saknong. d. Elehiya � Nagpapahayag ito ng damdamin o guniguni tungkol sa kamatayan o kaya�y tula ng pananangis lalo na sa paggunita sa isang yumao. Ang halimbawa ay tula ni Jose Corazon De Jesus na �Isang Punong Kahoy�. e. Dalit � Ito ay mga awit na pumupuri sa Diyos o sa Mahal na Birhen. 2. Tulang Pasalaysay. Naglalarawan ito ng mga mahahalagang tagpo o pangyayari sa buhay na natatagpuan sa mga taludtod na nagsasaaysay ng isang kwento. a. Epiko o Tulang Bayani � Ito ay nagsasalaysay ng kabayanihang halos Hindi mapaniwalaan sapagkat nauukol sa mga kababalaghan. Halimbawa nito ang epiko n mga Ilokano na �Biag ni Lam-ang.� b. Korido � Ito ang tulang nagtataglay ng walong pantig sa bawat taludtod. Karaniwang mahaba at may mahusay na banghay ng mga pangyayaring isinasalaysay. May himig mapanglaw at malimit na may paksang kababalaghan at maalamat at karamihan ay hiram sa paksang Europeo. Ang halimbawa nito ay �Ibong Adarna.� c. Awit � Ito ay nagtataglay ng labindalawang pantig sa bawat taludtod. Higit na masigla ito kaysa korido. May malambing at marikit na pangungusap at nangangailangan ng malalim na kaisipan. Ang halimbawa nito ay ang tulang �Florante at Laura.� 3. Tulang Pandulaan. Sadyang ginawa ito upang itanghal. Naglalarawan ito ng mga tagpong lubhang madula na maaaring makatulad ng, o dili kaya�y naiiba sa nagaganap sa pang-araw-araw na buhay. Patula ang usapan dito. Saklaw ng uring ito ang nga komedya, trahedya, melodramang tula, dulang parsa. 4. Tulang Patnigan. Tulang sagutan na itinatanghalng mga nagtutunggaliang makata ngunit Hindi sa paraang padula, kundi sa tagisan ng mga katwiran at tagisan ng mga talino sa paraang patula. a. Balagtasan � Tagisan ito ng talino sa pagbigkas ng tula, bilang pngangatwiran sa isang paksang pagtatalunan. Ito�y sa karangalan ni Francisco �Balagtas� Baltazar. b. Karagatan � Ito ay isang laro sa tula o isang paligsahan sa pagtula na kabilang sa tinatawag na �libangang itinatanghal� na ang taglay na pamagat ay nanggaling sa isang alamat ng singsing ng isang dalaga na nahulog sa dagat. c. Duplo � Ito ay isang laro sa tula o isang paligsahan sa husay sa pagbigkas at pangangatwiran nang patula. Hango ang pangangatwiran sa Bibliya, mga salawikain at mga kasabihan.


Mahiwagang tinig in English version?

Ang Mahiwagang Tinig May isang magsasaka na halos panghinaan na ng loob sa bawat araw ng kanyang pag bubukid. Sa panahon ng taniman, pinagbubuti niya ang pagpapatubo ng punla, araw-araw niyang inaalagaan at binabantayan hanggang sa tuluyang maitanim sa nilinis na sakahan ang kanyang halaman. Nilalagyan ng abono , sagana sa dilig at paaraw ngunit laging dumarating ang peste sa kanyang pananim. Luha ang kanyang naani bilang kapalit sa bawat pagod at sakripisyo. Datapwat sakit ng loob ang kanyang nararamdaman sa tuwi-tuwinang paglinang ng kanyang lupain. Kahit na halos panghinaan na ng loob sa kawalan ng pag-asasang umani ng sagana, Hindi siya sumuko. Iniluha niya ang hinaing at taimtim na nalangin. Isang araw habang nagpapahinga sa tumana, nakatulugan niya ang paglilinis ng kanyang taniman. Mula sa kung saan, isang mahiwagang tinig ang kanyang narinig. "kaybigan, bumangon ka sa iyong pagkakahimlay, kumilos ka, pumunta ka sa may paanan ng burol sa tapat ng iyong tumana at kunin mo ang isang buto ng pananim na ibinaon ko ng dalawang dangkal sa may puno ng mangga na may isang dangkal parteng silangan." Naalimpungatan ang magsasaka, nag-iisip ngunit tumalima sa sinabi ng mahiwagang tinig. Isang maliit na buto ang kanyang nakuha... Sa nilinis na tumana, itinanim niya ang buto. Sa bawat araw hinintay niyang umusbong ang kanyang pananim, taimtim siyang nagdasal hanggang umusbong ang munting halaman. Lumago ang halaman, inilagaan niya ang pananim ng buong husay, diniligan, inabonohan at gumawa ng paraan upang huwag dapuan ng peste. Malungkot siya dahil ang kanyang halaman ay maliliit ang dahon, kulubot at maliliit ang bawat sanga na kakaiba sa ibang halaman. Datapwat nalulungkot, inaalis niya ang lunkot sa kanyang sarili at nagtiwala sa mahiwagang tinig na magbubunga ng maganda na makapagbibigay sa kanya ng saya ang halaman. Patuloy siyang nanalangin hanggang umusbong ang magandang dilaw na bulaklak. Nagkaroon siya ng ngiti at lumaki ang pag-asa na may magandang bunga na maani pagdating ng araw. Lumipas ang mga araw, kulubot ang bunga ng buto na ibinigay sa kanya ng mahiwagang tinig. Dahil sa pananalig na masarap na bunga ang kanyang mapuputi sa araw ng anihan nanatili siyang masigla bawat araw. Lumaking tuluyan ang bunga at inani ng magsasaka, ngunit ng kanyang tikman, mapait na bunga ang kanyang nalasahan. Nalungkot ang magsasaka at nanangis. "Kaybigan, mahiwaga ka kaya lubos akong nagtiwala sa iyo na ibibigay mo sa akin ay matamis na bunga na makapagbibigay sa akin ng saya. Sa bawat sakripisyo ko, buoo ang pananalig ko at pinawi ko ang lungkot upang ipakita ko sa iyo ang tiwala ko. Bakit naman ganito ang lasa ng halaman mo? Lubos akong nagdadamdam dahil inaakala ko na makatutulong ito sa akin upang matugunan ang aking gutom. Ito ba ang kapalit ng aking pagod, ng aking sakripisyo, ng pagmamahal ko sa aking pananim? Hindi ako nagkulang sa alaga at dasal ngunit bakit ganito ang ibinigay mo sa akin?...Hindi pa natatapos ang kanyang pananangis, ang pagluha habang nakaluhod at nakatingalang nangungusap ang mga kibot ng labi at mata, muling nakarinig siya ng tinig..."makinig ka kaybigan!"...sandaling katahimikan..."ang halamang iyan kung tawagin ay ampalaya, Hindi ko ibibigay sa iyo yang halamang iyan kung Hindi makatutulong!...mahal kita at higit mo iyang kinakailangan."...at nawala ang boses ng mahiwagang tinig.... Mula sa kaibuturan ng kanyang puso, buong pananalig, nanalangin siyang muli ng buoong taimtim. "Maraming salamat po! buong pang-uanawa, aalamin ko po at tutuklasin ang kapakinabangan ng iyong biyaya!"